PBA: KAMPEON ANG BEERMEN

pba-tnt-smb

Hindi na nag-aksaya ng oras ang San Miguel Beer para tapusin ang TNT KaTropa sa Game Six, 115-91, upang sungkitin ang PBA Commissioner’s Cup championship sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kagabi.

Tinuldukan ng SMB ang TNT sa best-of-­seven Finals via 4-2 win para masakote ang second straight title sa 42nd (2016-2017) season at ang league-best 24th crowns sapul noong 1975 para sa posibleng Grand Slam II sakaling masikwat din ang Governors’ Cup.

Nadale rin ng San Miguel ang season-opening Philippine Cup noong Marso sa 4-1 victory sa Ginebra bago ang pamamayagpag sa mid-season conference at tuldukan ang 16-year ­title-drought dito, habang perfect sa Finals stint niyang 5-for-5 ang team sa ilalim ni coach Leo Austria.

Binitbit nina Best Import of the Conference Charles Rhodes at napi­ling PBA Press Corps-Cignal Finals MVP at best player of the game Alex  ang SMB sa ikapitong glorya.

Nagmolde si Rhodes  ng double-double na game highs 30 points at 11 rebounds habang nagbunot si Cabagnot ng unang triple-double sa Finals sa loob ng 12 taon sa 19 pts., 12 rebs. at 11 assists. Uma­gapay ng series-best niyang 24 pts. si Marcio Lassiter, may 17 pa si Arwind Santos at 14 si Best Player of the Conference, Chris Ross.

Si Willie Miller ang naka-TD sa 2005 Philippine Cup.

Sa 12-9 lang pinagmanibela ng San Miguel ang KaTropa sa dominadong salpukan na tinampukan ng 29 points biggest lead sa final 1:02 ng game pagkaraan ng 3-point shot ni Rhodes.

Bago ang kumbinsidong panlalangong ito ng serbesa sa Texters, naharbat din nila ang Games 2 (102-88), 3 (109-97), at 5 (111-102).

Pero nahirapan din ang SMB sa kabuuan sa astig na labang binigay ng Texters.

“I would like to congratulate coach Nash Racela and the entire TNT organization for bringing out the best in us,” wika ni Austria.

“Both of us deserved to win the championship but we’re really fortunate because my players really wanted to win. This is the cup that we didn’t win in the last 17 years and they have something in their minds that’s why this game is really fantastic for them.”

Si  Troy Rosario ang nanguna sa TNT sa 21 pts. May 15 si Joshua Smith.

Ang iskor:

SMB 115 — Rhodes 30, Lassiter 24, Cabagnot 19, Santos 17, Ross 14, Espinas 5, Semerad 4, Fajardo 2, De Ocampo 0, Heruela 0, McCarthy 0, Van Opstal 0, Agovida. 0,

TNT 91 — Rosario 21, Pogoy 16, Smith 15, Castro 13, De Ocampo 7, Garcia 7, Williams 4, Tautuaa 4, Rosales 2, Semerad 2, Reyes 0.

Quarters: 37-26, 62-42, 94-69, 115-91.