Matikas na inumpisahan ng NLEX ang kampanya sa PBA Governors Cup sa back-to-back wins, at nangunguna sa atake ng Road Warriors si Kevin Alas.
Sinilaban ng six-foot guard ang ratsada ng team nang magpasabog ng 20 points, eight rebounds at four assists sa 112-104 panalo laban sa Alaska sa opening game ng season-ending conference noong Miyerkules.
Sinundan ito ni Alas ng isa pang all-around production na 13 points, five rebounds at tig-isang assist at block nang idiskaril ng NLEX ang KIA, 100-93.
Magarang simula ito ng Road Warriors pagkatapos ng nakakadismayang four-win total sa unang dalawang conference ng season. Tatangkain ng NLEX na sagasaan ang 3-0 start, kauna-unahan kung sakali sa ilalim ni coach Yeng Guiao, laban sa dating team ng mentor na Rain or Shine bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Dahil sa mainit na larong pinakita, buena-mano si Alas na ginawaran ng PBA Press Corps Player of the Week honors.
Naungusan ng dating Letran star sa citation sina Phoenix guard RJ Jazul, Chris Newsome ng Meralco, Maverick Ahanmisi ng Elasto Painters, at Star veteran PJ Simon.