TEAM W L
x-Ginebra 9 2
x-SMB 9 2
x-Star 9 2
x-TNT Katropa 8 3
x-Meralco 7 4
x-Rain or Shine 5 6
x-Phoenix 4 7
*Alaska 4 7
*GlobalPort 4 7
y-Mahindra 3 8
y-Blackwater 2 9
y-NLEX 2 9

* — Knockout sa No. 8
x — Quarterfinalists
y – Eliminated

Laro ngayon: (MOA Arena)
6:30 p.m. — Alaska vs. GlobalPort

Taya na pati pamato’t panggulo ng Alaska at GlobalPort sa bawal kumurap na sultada para sa huling bangko sa quarters ng PBA Commissioner’s Cup mamaya sa Mall of Asia Arena.

Kumolekta ang Aces, Batang Pier at Phoenix ng 4-7 win-loss records, naiwang magpapatayan sa one-game playoff ang Alaska at GlobalPort nang okupahan ng Fuel Masters ang No. 7 via superior quotient.

Malapot na sinimulan ng Aces ang midseason reinforced conference sa four wins bago binagabag ng injuries sina Noy Baclao (out na buong confe­rence), JVee Casio (hamstring) at may mild injuries pero patuloy na lumalarong sina Calvin Abueva at Vic Manuel.

Mula sa 4-0 start, lupaypay sa 0-7 ang Aces.

“Last Chance. No excuses. It is time for our best,” giit ni Aces coach Alex Compton.

Sa tanging komprontasyon nila ng GlobalPort sa elims noong Mar. 18, nanaig ang Aces 107-79. Pero si Sean Williams pa ang import ng Batang Pier noon na nang walang maipanalo sa tatlong laro ay pinalitan ni Malcolm White.

Nakadalawang ‘W’ sa limang salang si White bago tinapik si Justin Harper at naka-2-1 ang team.

At may nakahanda na ring plano ang Batang Pier ni coach Franz Pumaren.

“We should match up with the intensity of Alaska and make sure that we won’t run away from our game plan,” aniya kahapon.

Ang mananaig sa KO match ang hahamon sa top seed Ginebra na twice-to-beat sa quarters.