Laro sa Martes:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
3:00 p.m. — CEU vs Racal Motors
5:00 p.m. — Flying V vs Batangas

Hindi napigilan ng bagyong si Gorio ang misyon ng Marinerong Pilipino na sumampa sa playoffs ng 7th PBA D-League 2017 Foundation Cup matapos tambakan ang AMA Online Education, 125-71, kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Tumikada sina Julian Sargent at Donald Gumaro ng 20 at 18 points upang tulungan ang Skippers na ikadena ang panlimang sunod na panalo tungo sa 6-4 record sa pagtatapos ng kanilang eliminations campaign.

Lumayo ang Marinerong Pilipino sa second quarter matapos ang dikitang labanan sa first canto, 33-26

Nagtala si Mark Isip ng 11 sa kanyang 15 puntos sa second period upang tulungan ang Skippers na hawakan ang 64-39 abante sa halftime.

Nilista rin ng beteranong si Isip sa unang dala­wang periods ang tigatlong rebounds at assists.

Bumakas si Rey Publico ng 13 markers at five rebounds para sa Marinerong Pilipino habang may 10 points at tigalawang boards at assists si Renzo Subido.

“This is a good win for us. Magandang pa­baon sa amin going to the playoffs, but I always remind the players na ibang klase ang playoffs and it’s a good thing that we have veterans who have been there before,” saad ni Skippers coach Koy Banal.

Namuno sa opensa para sa AMA si Daniel Salonga na may 14 puntos at tigatlong rebounds at assists habang may 13 pts. si Junjun Alas.

Semplang ang AMA sa 1-9 record.

Mga iskor:

MARINERONG PI­LIPINO 125 – Sargent 20, Gumaru 18, Isip 15, Publico 13, Subido 10, Alabanza 8, Javelona 8, Javillonar 7, Marata 7, Iñigo 6, Lopez 5, Moralde 4, Gavieres 2, Salcedo 2.

AMA 71 – Salonga 14, Alas 13, Bonleon 12, Paras 9, Carpio 6, Macaranas 5, Celso 4, Tobias 4, Jordan 3, Calma 1, Magpantay 0, Malones 0.

Quarterscores: 33-26, 64-39, 94-51, 125-71.