Mga laro sa Martes:
(Ynares Sports Arena)
3:00 p.m.  — Marine­rong Pilipino vs. Cignal HD
5:00 p.m.  — Flying V vs. CEU

Napalipad ng Flying V ang nine-point pero napagtakpan  iyon ng depensa para maisingit pa rin ang 65-61 Game 1 win kontra Centro Escolar University at makauna kahapon sa 7th PBA D-League Foundation Cup 2017 semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Sa manipis na pagta­ngan ng Thunder sa 63-61 advantage sa 21.0 ticks left, inararo si Gab Banal ni Rod Ebondo para sa charging foul na sumawata sa pagrampa ng Scorpions, saka nakahinga nang maluwag ang Thunder nang selyuhan ni Je­rick Canada ang game sa two freebies sa final 3.6 seconds.

“I think pagdating sa mga ganoong situations, you really have to assert yourself defensively. And I think this game really boiled down to the stops. We were able to make the crucial stops, lalo na yung kay Gab on Ebondo,” dada ni FV coach Frede­rick Altamirano.

Tatapak ang FV sa championship series sa isa pang panalo sa kari­bal sa darating na Martes sa nabanggit ding playing ve­nue sa maiden conference pa lang sa developmental league.

Sablay na naman si Jeron Teng sa isa na namang triple-double, nagpapulandit ng 17 points, 13 rebounds, at seven assists para sa tagumpay ng Thunder.

Kumalkal si Banal ng 3-of-6 beyond the arc para makatapos ng 12 mar­kers, five boards, at two steals, habang naka-12 rin si Eric Salamat ka­bilang ang three rebounds, at three dimes sa game.

Halos ibigay na ni Thomas Torres ang panalo sa Scorpions nang mapi­tuhan ng flagrant foul penalty one,  pero sinablay ni Orlan Wamar ang dalawang free throws na magtatabla dapat sa laro sa nalalabing 21 saglit.

Namuno si Ebondo para sa CEU sa 20 points at 27 rebounds, kapos lang ng dalawa para tablahan ang PBA D-League record na 29 ni Jay-R Taganas na naitatak sa 2015 Foundation Cup. Nagbakas si Art Aquino ng 17 pts. at 4 rebs.

Maaga namang kinontrol ng Cignal HD ang ­labanan saka binutata ang harurot sa huli ng Mari­nerong Pilipino pa-86-67 pagmasaker at itarak din ang 1-0 lead sa parehas na race-to-two victory series.

Nagpader si Raymar Jose ng 17 pts. at 8 rebs. off the bench sa panig ng Hawkeyes.

“Thank you ako kay Raymar. I had to play him for the whole of the third quarter and he did his job for us,” namutawi kay winning coach Boyet Fernandez, sa pabaon sa kanya ng forward niyang pa-national team na lalaro sa 29th Southeast Asian Games 2017 sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Aug. 19-30.