PBA: NOT TRUE! — TNT

Agad tinanggi ng TNT KaTropa ang mga akusasyon ni former import Denzel Bowles na sinibak siya dahil ayaw bayaran ang kanyang 15-day salary at tangka pa raw ng team na nakawin ang sapatos niyang KD9.

Sa Twitter (@Denzel_Bowles) pinaputok ng dating 2012 PBA Best Import ang reklamo.

“That’s not true. He was fully paid before he left,” giit ni TNT team manager Virgil Villavicencio kahapon. “Usual­ ly imports are offered a one-month contract, the two weeks of which are guaranteed. Eksakto na two weeks siya sa amin, so binayaran namin ‘yun.  TNT has no record whatsoever of not properly compensating its players.”

Hinggil sa sneakers, eto ang esplika ni Villavicencio: “The players have lockers sa Moro Lorenzo gym and some of them, including Denzel, iniiwan na ‘yung sapatos sa locker para magagamit na sa practice the next day.

During our tune-up against Star ‘yun ang time na hindi na namin siya pinag-practice, and may bilin na sa guard na huwag siyang papasukin sa gym. Ang worry namin baka manggulo dahil pilit na gustong makapasok,” paliwanag niya.

“Nung sinabi na gusto lang niya kuhanin ‘yung sapatos niya, ako mismo kumuha, pinuntahan ko siya sa labas, at tsaka ko ibinigay. We never had any intention of not giving his shoes or, as what he claimed, nakawin ‘yun.”

“Talk n text cut me cause they poor right now n didn’t wanna pay me,” tweet ng 27-year-old Virginia native. “Talk n text said they cut me cause I have a bad attitude but I don’t like talk much n we were winning.”

Pinauwi si Bowles bago pa magsimula ang midseason Commissioner’s Cup dahil sa wala sa porma at hindi raw maganda ang ugali. Inihatid niya sa titulo ang B-Meg (Star) sa parehong conference noong 2012.