Mga laro ngayon (MOA Arena)
3:00 p.m. — SMB vs. Kia
5:15 p.m. — Ginebra vs. Rain or Shine
Naghinang ng double-double sina Malcolm Hill at Ian Sangalang para giyahan ang Star sa dambuhalang 109-103 paglunod sa GlobalPort sa Smart Araneta Coliseum kagabi.
Kinalsuhan ang three-game skid, sinakop ng Hotshots ang seventh quarterfinals slot ng PBA Governors Cup.
Naglista si Hill ng 32 points at 12 rebounds na sinabitan pa ng five assists, five steals at two block sa 36:31 minutes, nagsulsi si Sangalang ng 17 markers at 10 boards sa 22:40 itinagal sa loob.
May nine points apiece sina Paul Lee at Aldrech Ramos para sa Star, nasa triple-tie sa fifth kasama ng Rain or Shine at San Miguel Beer sa 5-3.
Pinakawalan na ng Hotshots si top gunner Allein Maliksi at hindi pa nakasabay ang kapalitan nitong sina Kyle Pascual at Bambam Gamalinda.
“We had a sense of urgency,” ani Hotshots coach Chito Victolero. “It was a must-win game for us because we’re still hoping to make it to the Top Four.”
Lima ang may 10 points pataas para sa Batang Pier na pinangunahan ng 20 ni Murphey Halloway na kumalawit pa ng 17 rebounds, pero sa 3-6 ay tengga sa eighth ang team. May tatlong laro pa sila sa elims.
One-sided lang din ang isa pang sultada, nilaklak ng Meralco ang Alaska 106-78 na nagpalapit sa Bolts na makasikwat ng isa sa apat na twice-to-beat bonus kapag nasa top four pagkatapos ng 11-game eliminations.