P10K winidraw ‘di lumabas

Blind item na sumambulat ang balita sa social media ng isang sports insider sa Philippine Basketball Association (PBA) player na pinaaresto ng ibangko dahil sa pagsuntok sa kanilang ATM o automated teller machine.

Ayon kay Snow Badua, nakuhanan umano sa security camera ang pagsuntok ng player sa ATM machine matapos na hindi agad mailabas ang withdraw niyang P10,000.

May pa clue pa na ‘cockfight’ si Snow, na sa Tagalog ay sabong.

Hindi tuloy maiwasan ng mga fan na ituro ang isa sa mga mainitin ang ulo defense specialist sa pro league na si Kelly Nabong ng NorthPort Batang Pier.

Saad pa ni Badua, inaresto na umano ang nasabing player na kinasuhan ng alarm and scandal dahil sa panununtok sa makina ng bangko sa Pasig. (Raymark Patriarca)