STANDINGS
TEAMS W L

NLEX 1 0
Phoenix 1 0
Meralco 1 0
RoS 1 0
GlobalPort 0 1
Alaska 0 1
Kia 0 1
Blackwater 0 1
TNT 0 1
Ginebra       x    x
San Miguel x    x
Star             x    x

Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
3:00 p.m. — NLEX vs. Kia
5:15 p.m. — Phoenix vs. Alaska

Sablay ang mga free throws ng Rain or Shine, pero kuminang pa rin sa dulo nang ipinta ang 98-96 victory kontra GlobalPort kagabi sa PBA Governors’ Cup sa Araneta Coliseum.

Habang nagpiyesta naman ang Meralco Bolts ­laban sa Blackwater Elite, 107-78, sa unang laro.

Ang Painters na 16-of-32 sa free throws sa ­kabuuan ng laro, ay humugot ng kinakaila­ngang basket mula kay Raymond Almazan para maitakbo ang unang ­panalo.

Hindi si Allen Durham ang top scorer sa balanseng atake ng Meralco kundi si Baser Amer na may team-high 20 na may patong pang eight ­assists, six boards, one steal at walang turnover sa 27 minutes job para samahan ng kampo niya sa ­triple-tie sa tuktok ang opening day winners Phoenix Petroleum at NLEX.

May desente pa ring kontribusyon ang reigning Best Import para sa Bolts na may 18 pts. at 20 rebs. Ang magarang nilaro ng local crews ang hindi pagpuwersa sa kanya na todong kayod.

Ang dating kakuwadra ni Amer sa San Beda ­College na si Garvo Lanete ang isa sa nagpasiklab din na iniskor ang lahat ng kanyang 15 points sa 3-point shots.Sa tamang diskarte sa enggrande debut, walang pagsidlan ng kasiyahan si Norman Black.

“It’s exactly the type of start we hoped for,” nakangiting giit ng Bolts coach na sumegunda sa last season sa Ginebra rito. “We played well in our last two exhibition games.”