Isa sa mga maasahang referee ng PBA ang ‘di inaasahang pumanaw kasabay ng pagdiriwang ng ika-44 na taon ng liga nitong Martes, Abril 9.
Namatay ang siyam na taon nang pumipito na si Guillermo Tangkion, 47-anyos.
Sa balitang inilabas ng sports website na Spin.ph, nasa kalagitnaan ng referee’s workout si Tangkion nang bigla na lang bumagsak.
Agaran naman naisugod pa sa pinakamalapit na ospital. Pero bigo ang mga doktor na i-revive pa ang reperi.
Nagulat si PBA Commissioner Willie Marcial nang malaman ang pagkamatay ni Tangkion dahil lahat aniya ng referee ng liga ay physically fit naman.
Nag-umpisang mag-PBA ref ang tubong Malasique, Pangasinan noong 2011. (Fergus Josue, Jr.)