Pinangunahan ni Carl Bryan Cruz, miyembro ng Gilas cadet team na suma­bak sa FIBA Asia Challenge sa Iran, ang early applicants para sa 2016 PBA Rookie Draft sa Oct. 30.

Maaga ring nagpalista sina Joseph Eriobu at Jessie Saitanan ng Mapua, Raymond Jamito at Jayson Ibay ng St. Clare College. Jairold Flores at Erwin Duran ng UE at 10 iba pa. sa Oct. 14, 5 p.m., ang deadline sa pagsusumite ng application sa Draft.

Top pic ngayong 2016 ang Blackwater, No. 2 ang Phoenix (mula sa trade deal sa Star). No. 3 ang Ginebra (mula Phoenix), sunod ang Mahindra, Star (mula GlobalPort), San Miguel Beer (mula NLEX), Meralco, NLEX (mula TNT), Rain or Shine, Ginebra, Alaska at Phoenix (mula sa SMB).

Inaayos pa ang pinaplanong ‘split draft’, ibig sabihin ay dalawang hiwalay na pools ng rookie applicants na pagpipilian ng 12 pro teams. Sa isang batch o pool ang 12 Gilas Players, sa kabila ang iba pang aspirants.

Ayon kay PBA commissioner Chito Narvasa, may ilang bagay pang paplantsahin sa draft mechanics dahil ngayon lang magkakaroon ng dala­wang pools.

Inaasahang magi­ging bahagi ng Gilas pool sina Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks, Mac Belo, Kevin Ferrer, Ro­ger Pogoy, Mike Tolomia at Russell Escoto.