Siklab ngayong Martes ang 2017 PBA All-Star, uumpisahan ng meet-and-greet session ng ­Cagayan de Oro fans sa Centrio Mall sa bisperas ng All-Star Game sa Xavier University Gym.

Sa Miyerkules ay sasalang si All-Star coach ­Chito Victolero sa basketball clinic na magpapasimula ng mga aktibidad na hatid ng HMR ­Trading, Mueller, Peak, Crystal Clear, Anako, ­Davco, Smart, Cloudfone at Petron.

Pagkatapos nito ay ang All-Star Game na ng PBA Mindanao All-Stars kontra Gilas Pilipinas.

Curtain-raiser sa Xavier University Gym ang Shooting Stars event na pangungunahan nina Minda­naoans Cyrus Baguio, Glenn Khobuntin at Jio Jalalon. Gigiyahan muli ng tatlo ang ­Mindanao ­selection, kasama sina Troy Rosario, Mark ­Barroca, Scottie Thompson, PJ Simon, Rafi Reavis, Mo ­Tautuaa, Sonny Thoss, Carlo Lastimosa at Baser Amer laban sa Gilas team na naghahanda para sa SEABA Championship.

Ang bandera ng Gilas sa Cagayan de Oro ay dadalhin nina Terrence Romeo, LA Revilla, Mike Tolomia, RR Pogoy, Matthew Wright, Kevin ­Ferrer, Carl Bryan Cruz, Alfonso Gotladera, Bradwyn Guinto at June Mar Fajardo.

“I’m happy and excited to be playing the first leg of the PBA All-Star Week here in Cagayan de Oro,” lahad ni PBA commissioner Chito Narvasa. “The people of CDO have been a very generous host to the PBA in all its undertaking. They deserve nothing but the best and I guarantee they will have a wonderful time watching their own battle against Gilas Pilipinas.”

Dalawang PBA select teams pa ang makikipagbuno sa Gilas pool sa Lucena sa Biyernes, at sa Cebu sa Linggo.

Ihahayag ni national coach Chot Reyes ang ­Gilas Final 12 pagkatapos ng Lucena match. ­