Dinayo ng ­Alagang PBA outreach program ni league ­commissioner Chito Narvasa, kanyang staff at 17 players  noong May 15 ang New Bilibid Prisons sa Muntinlupa para makisalamuha sa libong bilanggo.

Pangalawang pagkakataon pa lang ito ng liga na bumisita sa national penitentiary, masigabong tinanggap sila ni Prison Reformation Assistant Director Mertin Perfecto.

Nilibot sila sa pasilidad, naki­paglaro sa mga tagaroon, at pinananghalian sila ng luto ng inmates.

“It’s unbelievable. The wild welcome we got from the inmates was so touching and heartwarming. This is a testament to the popularity of the PBA. It goes to show that our players have a huge following from all walks of life,” pahayag kahapon ni Narvasa.

Pinakamalakas na pinalakpakan sina James Yap, Paul Lee, Asi Taulava, Jayjay Helterbrand, at Cyrus Baguio.

Kasama sa delegasyon sina PJ Simon, Aljon Mariano, Sonny Thoss, Mike Digregorio, Dylan Ababou, Von Pessumal, LA Revilla, Nico Salva, Cliff Hodge, Kevin Alas, Karl Dehesa, at Alex Nuyles.

Nakipaglaro ang PBA players sa inmates na bumuo ng maximum security compound team.

Pagkatapos ng game, namigay ang Alagang PBA delegation ng bola, t-shirt, at kagamitan sa mga nakakulong at ang mga players nama’y nag-photo at autographs saka nananghalian ang lahat.