Pinutol ng Barangay Ginebra ang signal ng TNT KaTropa matapos kalawitin ang 107-89 panalo kahapon sa 2017 PBA Commissioner’s Cup sa Smart-Araneta.
Nadapa agad ang crowd favorites sa unang salang sa midseason conference, pero pagkatapos ay apat na sunod na ‘W’ na ang tinatagay. Nakalsuhan ang sariling run ng five wins ng Texters at napigil sa 5-2.
Sumalpak si import Justin Brownlee ng 34 points, 15 rebounds at six assists para sa Gins. Umayuda ng 21 si LA Tenorio, 11 dito sa fourth nang kumalas ang Gins.
Nagpa-ulan ng three-pointers sa second half ang Ginebra dahilan para mangupete ang KaTropa.
Umarangkada sa third canto ang Ginebra para habulin ang anim na puntos na abante ng KaTropa at hawakan ang 80-74 bentahe papasok ng fourth.
Lumobo ang lamang ng Gin Kings nang kumana ng 10-2 run sa pagbubukas ng payoff period tungo sa pagkapit ng 90-76 may 6:39 minuto pa sa orasan.
Hindi sumapat ang 28 at 20 puntos nina Donte Greene at Jayson Castro para itaguyod ang Texters sa panalo.
Dikitan ang labanan sa first quarter, nasa unahan ang TNT 32-31 pero bumanat sila sa second para pindutin ang 61-55 bentahe sa halftime.
Sa first game, walang Terrence Romeo ang GlobalPort pero umeksena ang partner niyang si Stanley Pringle para balikatin ang Batang Pier sa 105-86 pag-masaker din sa Mahindra.
Tumabo si Pringle ng 24 points at five assists, may 16 points at 17 rebounds si Malcolm White para ihatid ang GlobalPort sa 2-5. Lagpak sa 1-7 ang Floodbuster.
Samantala, sa Mayo 3 na ang susunod na banatan sa PBA dahil sa gaganaping All-Star weekend.