Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs. NLEX
6:45 p.m. – Ginebra vs. GlobalPort

Solidong nag-debut sa San Miguel Beer sa pangatlo niyang tour-of-duty sa PBA si Wendell McKines, pinasan sa eksplosibong umpisa ang San Miguel Beer tungo sa 118-93 pagkanaw sa inalat na Blackwater kagabi sa dayo ng Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo.

May 20 minutes at 53 seconds lang sumalang ang dating Rain or Shine at Alaska import na si McKines pero lumagok ng 19 points, 12 rebounds at five assists para sa astig na simula ng Philippine at Commissioner Cups titlists Beermen.

Dati, pagkatapos masikwat ang korona ng isang conference ay inaalat ang Beermen sa unang laro sa susunod. Katatapos lang itaas ng SMB ang Commissioner’s Cup trophy noong July 2 sa 4-2 win kontra TNT KaTropa.

Kagabi, walang hangover ang hukbo ni Leo Austria.

“I think it is our best start (sa conference) since winning a championship,” ani Austria, na nakasahod pa ng 19 points din kay Marcio Lassiter na 5-of-7 sa labas ng arc, 18 kay June Mar Fajardo at 16 at 12 off-the-bench kina Gabby Espinas at Arwind Santos.

“Usually kasi nag-i-struggle kami in our opening game, but this time hindi.”

Sa third straight loss ng Elite, hindi nakaiskor sa 0-for-3 shooting si Trevis Simpson sa 9:53 job dahil sa iniindang groin injury na nakuha sa laban sa Hotshots nitong nagdaang Linggo.

May 18 points si Michael Vincent Digregorio para sa Blackwater, tumapos ng 14 points at 15 rebounds si John Paul Erram.

Pumapel naman ang Meralco na spoiler kay James Yap sa first game. Binura ng Bolts ang 14 points na pagkakaiwan sa Rain or Shine para hilahin ang 118-93 win at samahan sa taas ng standings ang NLEX sa 3-0.

Naging 14th local player sa 10,000-point club ng liga, 15th overall kasama si Bolts coach Norman Black, si Yap na unang nakaabot sa milestone tapos ni Jerry Codinera noon pang 2001.

“Our defense didn’t really hold up in the beginning. So what we did in the second half was come out aggressive and it worked for us,” ani Black na nag-sorry pa sa pagdiskaril sa gabi ni Yap.

Kumuryente si Allen Durham ng 23 points at 23 rebounds sa pamumuno sa Bolts.

Naka-19 at 13 si JD Weatherspoon para sa Elasto Painters na tumilapon sa 1-2.