Mga laro ngayon (Ynares Center, Antipolo)
3:00 p.m. — SMB vs. Blackwater
5:15 p.m. — Meralco vs. Rain or Shine
Pinahaba pa ng Star ang bangungot ng Aces nang kumpletuhin ang 101-92 panalo sa dayo ng PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo kagabi.
Kinubra ng Hotshots ang pangalawang sunod na panalo sa gayunding dami ng laro sa season-ending conference sa likod ng 28 points, 11 rebounds ng bagong import na si Malcolm Hill.
Umayuda ng 18 si Paul Lee, may 16 si Ian Sangalang at tig-seven kina Mark Barroca at PJ Simon sa Star.
Nabaon sa 0-3 ang Aces, at humaba na ang franchise-worst losing skid sa 11 sapul pa noong Commissioner’s Cup.
Sa first half ay bahagya pang nakaungos ang Alaska, lamang sa manipis na 29-27 pagkatapos ng first 12 minutes at 51-48 sa break. Pagdating ng third, nagising ang Hotshots at naagaw na ang manibela, 74-71, papasok ng fourth.
Pinangunahan ng game-high 34 points ni Ladontae Henton ang Alaska.
Sa first game, kumontak ng 21 points, 13 rebounds at 13 assists si Michael Craig para balikatin ang TNT KaTropa sa 106-96 panalo laban sa Kia. May panahog pang three blocks at one steal si Craig, may 18 markers at 10 boards si Troy Rosario sa TNT (1-0).
Sadsad sa 0-3 ang Picanto.