Hindi akalain ng madla na magiging makatotohanan ang panawagan ni Angelie ‘Lie’ Reposposa sa ‘Tawag ng Tanghalan’ na maging housemate sa “Pinoy Big Brother.”
Hindi lang ‘yan, dahil na-secure na rin niya ang kanyang puwesto bilang opisyal na teen girl housemate sa Bahay ni Kuya.
Siya ang napili ng mga ex-housemate dahil sa kabibuhang taglay niya. Nakikita tuloy ng mga fan ang resemblance niya kay Maymay Entrata na siyang big winner ng “PBB Lucky 7.”
Samantala, hindi lahat ay nagustuhan ang paraan niya ng pagpapatawa at may mga nagsasabing kinokopya niya ang PBB Lucky 7 big winner.
@JulianMauricio, “This may be an unpopular opinion, but I’m not sure I want Lie and Sansan to join this season’s housemates. I feel like they’re trying too hard to be bubbly because they saw how that worked for @maymayentrata07. Sorry girls, Maymay is special. You can’t copy her.”
@iren1373, “Ang layo..Maymay is a total package composer, singer, model and very good in acting, very good actress at maka Dios kaya doon ko sya nagustuhan.”
May mga nagtanggol naman sa bagong housemate at natural naman na raw ito magmula sa ‘TNT.’
@mhinadiolata, “Nakakainis yung mga nag sasabi kinokopya daw. Si Maymay lang ba may karapatan maging bubbly? Samantalang dati galit na galit sila kapag sinasabing ginagaya ni Maymay si Melai.”
@thel_aries, “If you have seen her sa TnT, she was like that already… and she never expected i think that she will be given the chance to enter PBB.”
Mukhang mas magiging mainit ang “PBB Otso,” lalo na at may pagkakahawig ang ibang housemate sa mga big star ngayon.
Kagaya na lang ni Jelay Pilones na malaki ang pagkakahawig kay Kim Chiu. Tinawag pa nga ng aktres na ito ang nawawala niyang kapatid. Hindi lang ‘yan dahil maging si Karina Bautista ay nahahawig sa “Araw Gabi” star na si Barbie Imperial.