Masusing mino-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na sakop ng babala ng bagyong Ferdie.

Sinabi ni PCG Spokesperson Armand Balilo, sinisiguro nilang sumusunod ang mga sasakyang pandagat sa pagbabawal na makapaglayag dahil sa malakas na alon dagat dulot ng bagyo.

Sa kabila na papalayo na ang bagyo, hindi pa rin ligtas  na pumalaot ang mga maliliit na sasakyang pandagat, partikular na ang mga mangingisda.

Wala pa ring inilalabas ang PCG na  bilang  ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.