Dinagdagan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang ayudang pinansyal na ibinibigay nito sa Malasakit Centers sa anim na ospital ng gobyerno bilang suporta sa mga itinalagang programa ng pamahalaan para pigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.

Inaprubahan ni PCSO General Manager Royima Garma ang pang-araw-araw na tulong pinansyal para sa Malasakit Centers na itinatag sa mga sumusunod na ospital: Lung Center, itinaas sa P1 milyon; Philippine Children’s Medical Center, itinaas sa P400,00; Philippine Heart Center, itinaas sa P500,000; Philippine General Hospital, itinaas sa P1.5 million; Rizal Medical Center sa P400,000, at Taguig Pateros District Hospital, itinaas sa P400,000.

Sinabi ni Garma na ang pagtakda ng dagdag na arawang pondo ay magbibigay ng kaukulang kakayahan sa nabanggit na Centers na magkaloob ng medical assistance sa mas maraming pasyente, lalo ngayon na mas malaganap ang naaabot ng COVID-19. (Dolly B. Cabreza)