Hindi na nagre-report sa kanyang trabaho si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chairman Erineo ‘Ayong’ Maliksi dahil sa delicadeza.
Ito ang kinumpirma ni PCSO general managerl Jose Ferdinand Rojas II sa pagdinig ng Kamara sa pondo ng ahensya sa susunod na taon kung saan hindi na rin dinaluhan ni Maliksi.
Hindi sinabi ni Rojas kung sino ang appointee ni Pangulong Rodrigo Duterte na pumasyal kay Maliksi ilang linggo matapos pagbitawin ng Pangulo ang lahat ng appointees ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.
Gayunpaman, tiniyak ni Rojas sa Kongreso na hindi maaapektuhan ang operasyon ng PSCO sa pagkawala ng mga matataas na opisyales ng kanilang tanggapan sa mga susunod na mga araw.