Inanunsyo ng Phi­lippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nakuha nito ang P55 bilyong inisyal na target ng ahensiya para sa kasalukuyang taon noong Oktubre.

Sinabi ni PCSO Ge­neral Manager Ale­xander Balutan na mula ­Enero hanggang Oktubre ay nakakolekta sila ng kabuuang P54.8 bil­yon sa pinagsamang kita ng Lotto, Keno, Small Town Lottery (STL), at Instant Sweepstakes, na 27 porsiyentong mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.

“Like I always say, figures don’t lie. This is proof that PCSO is and has always been on the right track in meeting its revenue target or more by the end of this year,” dagdag pa ni Balutan.

Unang itinakda ng PSCO ang kanilang target sa P55 bilyon ngunit binago ito sa P60 bil­yon dahil sa pagpapa­lakas sa STL at iba pang Lotto product sa buong bansa.