PDAF probe itutulak kapag…

Francis Chiz Escudero

Itutulak din ni Senator Francis ‘Chiz’ Escudero ang panibagong imbestigasyon kaugnay sa P10-billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) upang matukoy ang iba pang dapat managot sa natu­rang pork barrel scam.

Ngunit paglilinaw ni Escudero, kailangan niya munang tingnan ang takbo ng gagawin imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ).

Ayon sa senador, oras na mabigo umano ang DOJ na mapanagot ang iba pang partidong sangkot sa PDAF scandal ay maghahain siya ng resolusyon sa Senado upang makapagsimula sila ng panibagong imbestigasyon.

“Kung maayos naman ay hahayaan na lang ‘yung ahensiyang gawin ‘yung kanilang trabaho,” ayon kay Escudero.

Naniniwala si Escudero na marami pang dapat na kalkalin upang matukoy ang iba pang nakinabang sa pork barrel.