PDEA pumasok sa Brigada Eskwela

Nakisali sa espiritu ng volunteerism at community service ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Department of Education’s (DepED) 2019 Brigada Eskwela program na aarangkada ngayong araw ng Lunes sa lahat ng pampublikong paarlaan sa buong bansa.

Sinabi ni PDEA Director Gen. Aaron Aquinio, first time nilang nag-participate sa Brigada Eskwela ng DepEd na magtatagal hanggang sa May 25 araw ng Sabado.

Ang Brigada Eskwela 2019 ay may temang `Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan’, ay isang National Schools Maintenance Week kungsaan nagtutulong-tulong ang iba’t-ibang indibidwal, grupo, magulang at mga guro para sa sama-samang paglilinis at paghahanda ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 3.

Nagpalabas ng direktiba si Aquino sa lahat PDEA Regional Offices na aktibong makiisa sa isang linggong Brigada Eskwela ng DepEd.

“PDEA agents and personnel are more than ready to extend assistance in cleaning up classrooms and school grounds, and the repair and repainting of walls, ceilings, chairs, tables and other fixtures, in preparation for a safe, clean, and conducive learning environment for incoming students,” sabi ni Aquino.

Ang bawat Regional Office ng PDEA ay magbibigay din ng halagang P5,000 gamit na panlinis at iba pang magagamit na ‘beautification materials’ sa mga paaralan.(Dolly Cabreza)