Muling pinaalalahanan­ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-100 araw sa serbisyo bilang Pangulo ng Pilipinas ang publiko sa mga dapat na maging papel sa lipunan upang makamit ang mga pinapangarap na pagbabago kabilang ang pag­lusaw sa korapsyon sa mga ahensya ng gobyerno.

“Pag ‘di n’yo ako tulungan wala talaga akong magawa para sa inyo. If you do not help me ferret out the bad guys. Eh ‘di ‘wag kayong mag-complain ng corruption-corruption,” pahayag ni ­Pangulo Duterte nang magtalumpat­i sa ­National Banana ­Congress sa Davao City kamakalawa ng hapon.

Sinabi pa ng Pangulo na may regular siyang programa sa PTV-4 kung saan ay maaaring idulog ang kanilang mga reklamo.

“Now there is a Malacañang TV, PTV4, so may program ako diyan, I’ll give about, every morning, one hour. Lahat ng Filipino na nakatikim ng, whethe­r it’s in the permit sa office of the mayor, an electrical clearance or way of right already paid but unimplemented, i-text mo lang the government official, do not add your name,” paalal­a nito.

Huwag din aniyang mag-atubiling magsumbong kung may nasasaksihang korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan.

“Sabihin na ninyo, may corruption diyan sa city hall, ‘yung business. Kasi ang business permit, sa panahon ko, three days, sa kanila ngayon, one month. Magbigay ka wala na talaga akong magawa. But if it just any sense at all, tulungan ninyo ako. Now I said, for each department, they are only given one month, lahat sila,” sabi pa ng Pangulo.

Nagbabala rin ito sa mga tauhan at opisyal ng gobyerno na mapapatunayang sangkot sa korap­syon na hindi siya magdadalawang-isip na sibakin ang mga ito.

“Ang sabi ko sa mga taga-gobyerno eh, and I will see to it, you are dismissed. I do not give a shit if you are a director, or a general. Sabihin mo, give him a shopping list.

Do not add or take anything from it once it is released. Then go to your computers. Ilagay mo doon, kailan siya pwedeng bumalik for the paper. If it is really for rejection, clearly state why,” dagdag ng Pangulo. ­

2 Responses