Kamuntik nang mahulog si Pangulong Rodrig­o Duterte sa podium sa kinatatayuan nito sa pre-departure area ng Ninoy Aquino ­International Airport (NAIA­) t­erminal 2 nang tanunging ito kung may gusto­ siya kay Senator Leila de Lima.

Hindi na sinagot ng Pangulo ang ­katanungan at sa halip ito ay bumaba na ito sa podium matapos na makapag-deliver ng kanyang departure statement at nakipagkamayan sa mga pumipilang send off party para sa kanyang dalawang araw na state visit sa Vietnam.

Nauna rito, nagpatawag ng press conference si Department of Justice ­Vitaliano Aguirre sa pre-departure area­ ng NAIA habang hinihintay si Pangulong­ Duterte sa kanyang pag-alis.

Sinabi ni Aguirre na dapat ipaliwanag ni Sen. De lima ang umano’y napa­ulat na nawawalang P300 milyon at mga mamahaling alahas na na-recover sa ginawang raid sa Bilibid prison at ang idineklarang nakuha sa nabanggit na raid ay umaabot lamang sa P1.6 milyon.

Umalis si Pangulong Duterte lulan ng Philippine Airlines flight PR 001 bandang alas-dos kahapon ng hapon at inaasahang babalik din ngayong araw at ibubulgar na nito ang mga pangalan sa drug list na kinasasangkutan ng mga huwes, mayor, barangay captain at ibang opisyal ng pamahalaan.

5 Responses

    1. Hindi naman muntik mahulog sobra naman itong nagsulat nito, kaya nga pinaulit ni Presidente ang tanong sa mamahayag para makagawa siya ng ekesenang patawa. At yung pung nagtanong sa Presidente na mamahayag ano po ba ang sagot na inaasahan niya?????????