PDu30 aaralin kung ibabalik ang binawing ceasefire

Pres. Duterte

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na pinag-aaralan pa niya at hindi pa makapagdesis­yon kung ibabalik nito ang nauna nang bina­wing ceasefire sa communist rebels bagama’t kumpiyansa umano na maisusulong pa rin ang usa­ping pangkapaya­paan­ sa makakaliwang grupo.

Sinabi ni Pangulong Duterte na maaaring nagkaroon lamang ng “misunderstanding” sa nangyaring ambush sa Davao del Norte na ikinasawi ng tropa ng gobyerno.

“I hope we can proceed with the talks with the CPP. We are hoping that we can just talk.

Maybe we did not understand each other, the best way really is to talk again and maybe find out if its reachable or beyond our reach,” paliwanag pa ng Pangulo sa isang press conference.

Sinabi pa ng Pangulo na ang peace talk at ceasefire ay hindi lamang niya sari­ling desisyon kaya naman sa tanong kung maaari bang muling ibalik ang naideklarang ceasefire ay kailangan niyang kunsultahin muna sa cabinet meeting at hihingi umano ito ng advice kay Peace Process Presidential Adviser Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello.

Matatandaangbinawi ni Duterte ang idineklara nitong unilateral ceasefire nang mapaso ang binigay nitong deadline sa CPP-NPA-NDF.