Bentang-benta ang mga diga at todo palakpakan na naghagalpakan sa katatawa ang mga miyembro ng Filipino community sa Vietnam dahil sa klasik na Duterte antics.
Sa pagharap nitong Miyerkules ng gabi sa mga kababayang nakabase sa Vietnam, hindi na naman binasa ng Pangulo ang kanyang inihandang speech.
Ayon sa Pangulo imbes na basahin ito ay bibigyan na lamang ng kopya ang mga kababayan at sila na lamang ang magbasa na umani ng katatawanan mula sa Pinoy crowd.
“I cannot say things from the inside, the entrails of my emotions. Preparado ko iyan at saka minsan kasi sabi nila lalo na ‘yung mga diplomatic, basahin mo na lang kasi minsan nagpup– ina ka. I am really trying not to. Eh alam ko bastos iyan pero nadadala ako sa emosyon kaya sabi nila, the Republic of the Philippines has a President with a foul mouth. Correct, sabihin ko, I am that President,” wika nito.
“They have a President who is not a statesman. Correct. Nag-enroll ako ng College of Law, hindi ako nag-enroll ng academy of statesman. Law ako ang — pinag-aralan ko. Huwag daw ako magmura kasi masama daw pakinggan. Ah p–ina problema mo ‘yan,” pahayag pa ni Duterte.
Bumenta o binenta niya ang Pilipinas?