Sa ikalawang pagkakataon ay muling nagtungo sa Marawi City si Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Biyernes, Agosto 4.
Ayon kay Special Assistant to the President (SAP) Christopher ‘Bong’ Go, muling dumalaw sa Marawi City ang Pangulong Duterte upang i-boost ang morale ng government troops.
Pasorpresa ang ginawang pagbisita ng pangulo at hindi na ipinabatid sa media ang gagawing pagdalaw.
Nagpadala na lamang ng mga larawan si Go sa media kaugnay sa naging pagdalaw ng pangulo sa Marawi.
Makikita sa ipinadalang larawan na personal na kinausap ni Duterte ang mga sugatang sundalo.
Mababakas sa mukha ng mga sundalo ang kasiyahan sa ginawang pagdalaw ng pangulo.
Matatandaang Hulyo 20, ngayong taon nang unang dumalaw ang pangulo sa Marawi.
Samantala, sa pinakahuling ulat sa isinagawang Mindanao Hour briefing kahapon, inihayag ni Armed Forces Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr. na dalawang barangay na lamang ang inookupa ng Maute Group.
“As the military operates in approximately less than one square kilometer, the fighting becomes more intense, complex and challenging,” ayon kay Padilla.
Wala yata yung mga Anti-Duterte ngayon…. baka may panira pa kayo sa ginawa niya… yung iba may masabi lang