PDu30 dedma sa Senate probe sa EJK

Hindi interesado at hindi pinag-ukulan ng oras at pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-monitor at panoorin pa ang imbestigasyon ng Senado sa extra-judicial killings (EJK).

Nang uriratin ng media kahapon ang Pangulong Duterte sa isang ambush interview sa Malakanyang kung pinanood nito ang Senate probe sa EJK sumagot ng “no” ang Presidente.

“No… I do not… you just get the pieces of issue of… hindi na ako… nag-aano… hindi na ako nanonood ng TV actually… except for the news dyan sa ANC… ‘yung posted news ‘yung sa Teleradyo tapos wala na tapos dito ako sa seven tapos balik ako sa gobyerno in maski anong lumabas diyan in two minutes tapos ‘yun na hindi nga ako nanonood titingnan ko lang,” sabi ni Duterte.

Hindi na umano gusto pang malaman ng Pangulo kung ano ang nangyari sa hearing dahil ayaw na niya itong panghimasukan pa.