Kung mayroon mang pinakapinanabikang makaharap na world leader ang Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay walang iba kundi ang Russian President na si Valdimir Putin.

“That I look forward to. Mas gusto ko si Putin,” anang Pangulong Digong nang matanong ng mga mamamahayag kahapon ng salubungin nito ang mga ni-repatriate na OFWs galing Saudi Arabia.

Ang rason kung bakit interesado ang Pangulong Digong sa Russian President ay magkapareho umano sila.

“Pareho kami eh.” sabi ng Pangulo.

“Baka sa girls,” pagbibiro pa nito.

Sa unang pagkakataon ay makakaharap ni Duterte si Putin sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Vientiane, Laos, mula Setyembre 6 hanggang 8.