“Let them be.”
Ito ang reaksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte nang uriratin ng media kahapon ng hapon sa palasyo ng Malacañang kaugnay sa inihaing reklamo ng kampo ni Edgar Matobato sa International Criminal Court (ICC).
“Wala man ako magawa. Nobody can stop from filing you. I can even invent one and go to the fiscal’s office now and accuse you for entering into three marriages,” dagdag ng Pangulo.
Sinabi ng Pangulo na nabigyan siya ng kopya ng reklamo pero ayaw na nitong pag-aksayahan pa ng oras na basahin ito.
Kung talagang makukulong, aniya, ay nakahanda naman siya.
“Binigyan nila ako (kopya ng complaint), why would I waste my time. If I go to prison then so be it…Where will I be imprisoned? What do you think?” hirit ng Pangulo.
Nang tanungin naman si PDu30 kung mayroon ngang hurisdiksyon ang ICC kaugnay sa isinampang reklamo laban sa kanya ay ganito ang naging tugon ng Presidente: “Well, I don’t know. Ako, I haven’t talk to any lawyer.”