Hinarap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang halos 200 magsasaka na nagtipun-tipon sa Mendiola, Maynila kahapon ng hapon.

Galing sa Mindanao ang mga magsasaka na karamihan ay nagmula sa Tagum City, Davao Del Norte.

Pawang mga benepis­yaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) ang mga nagprotestang magbubukid.

Pinakalma at inalo ni Pangulong Digong ang mga magsasaka habang pinanggigilan ang mga mayayaman na nagsasamantala sa kahinaan ng mga kababayang pobre.

“…for government to recover the property of the people. Isauli iyan kasi nakuha ninyo ‘yan sa connection ninyo kay (ex-President Ferdinand) Marcos, kay (ex-President Cory at Noynoy) Aquino hanggang ngayon at ang bayad ninyo hindi sapat at for 25 years na­ging 50 years tama na ‘yan panahon nang isauli ninyo ipagbili ko ‘yan kasi kailangan ko ng pera para ipambili ng lupa ng taong Filipino. ‘Yan ang totoo,” paghahayag ni PDu30.

Nangako rin si PDu30 na bibigyan ng tig-P1,000, libreng pagkain at pamasahe pabalik ng probinsya ang mga nagpiket na sinasabing nagtipun-tipon sa Mendiola simula pa noong Mayo 1.

“Kumain na kayo ng hapunan? Ilan kayong lahat dito? (Special Assistant to the President) Bong (Go) mag-reserve ka ng 200 sa Manila Hotel…doon ko kayo paka­inin, ayaw ninyo…

Bong 200 sa Manila Hotel, gusto nila sa Manila Hotel makatikim sila ng…basta ‘yung mga naka-barong doon, mga naka-gown ‘wag ninyong pansinin ‘yun…sabi ni Mayor dito kami magkain ng hapunan…Manila Hotel…para makatikim kayo…,” hirit pa ng Pangulong ­Digong.
Inirereklamo ng mga magsasaka ang diumano’y nararanasang panggigipit sa mga lupa na kanilang sinasaka.

Umapela naman si Pangulong Duterte na bigyan siya ng panahon para maayos ang mga problemang kinakaharap ng bansa.

2 Responses

  1. mga taga davao yan,sino bang mayayaman na taga davao ang nagsasamantala diyan,Sa manila pa kayo gumagawa ng eksena,lagi rin naman nasa davao ang pangulo,NOt Normal