Ikinakasa ang posibleng pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa apat na bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon sa isang opisyal ng Palasyo ng Malakanyang kahapon.
Binanggit ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na kukumbinsihin nina Presidential Peace Adviser Jess Dureza at Finance Sec. Sonny Dominguez si Presidente Duterte na bumisita patungong Malaysia at ibang bansang kasapi ng ASEAN bago tumulak pa-Laos.
Kabilang sa posibleng dalawin ni Pangulong Digong ang apat na ASEAN countries — Brunei, Indonesia, Malaysia, at Singapore.