Nagpaabot ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapatid na Muslim sa kaugnay ng paggunita sa Eid’l Adha ngayong araw.

“Ibrahim’s admirable act of obedience to the will of Allah is a reminder­ to us all of the value of sacrifice necessary in our lives. It also exemplifies the necessity to surrender­ personal comfort for the greater good,” ayon pa sa inilabas na Eid’l Adha message ni PDu30.

Binigyang-diin din ng Pangulo na ang selebrasyon ay magandang oportunidad para sa mga kababayang Muslim na panumbalikin ang kabanalan ng pagka-Islam.

Dahil din, anang Pa­ngulo, sa mga pagsubok na kinakaharap ng bansa ay mahalagang ibalik ang diwa ng pagkakaisa tungo­ sa inaasam na kapayapaan.

“May this occasion invigorate you to remain steadfast in our task of ensuring triumph against ele­ments that perpetuate discord and violence,” dagdag pa ng Pangulo.