Tiniyak ng Pangulong Rodrigo Duterte na protektado na mula sa mga abusadong kawani sa mga paliparan ang magbabalik-bayang overseas Filipino workers (OFWs).
Sinabi ni Pangulong Digong nang humarap ito sa Filipino community sa Vietnam na ipatutupad nito ang mga reporma nang sa gayon ay masugpo na nang tuluyan ang red tape at korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Immigration (BI).
“You guys when you go home, there will be changes. There will be no harassments in the Immigration and Customs. I will not allow that. I’m telling everybody, every meeting in the Cabinet: This will be a clean government. Let us give the Filipino a respite of the agony and suffering,” paghahayag ni Pangulong Duterte.
Hinikayat ng Pangulo ang mga OFWs na huwag matakot na isumbong ang mga pang-aabuso at siniguro na maaaksyunan ang mga reklamo.