Hayagang sinabi kahapon ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Jose Jorge Corpuz na ang jai-alai operator na si Atong Ang ang puntirya ng Exe­cutive Order No. 13 ng gobyernong Duterte na nagdedeklara ng all-out war sa illegal gambling.

Sa isang statement ay binigyang-diin ni Corpuz na ang state-sanctioned Small Town Lottery lamang ang tanging numbers game na pinapayagan na makapag-operate ng kasalukuyang administrasyon.

“He (Ang) is the primary target of EO 13. Meridian is illegal and other bookies on the street. What we want is to show that STL is the only legal numbers game in the country and all others are illegal,” ani Corpuz.

Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 13 noong Pebrero para limitahan ang operasyon ng online gaming licenses na ipinagkaloob ng freeport zones katulad ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA), Aurora Pacific Economic and Freeport Authority (Apeco) at Authority of the Freeport of Bataan (AFAB).

Ayon kay Corpuz, ang EO13 ay naging ilegal kay Ang dahil kumukuha ito ng pusta sa labas ng Cagayan gayong ang lisensya niya ay inisyu ng CEZA.

Ito ang dahilan, ani Corpuz, kung bakit ang Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng serye ng raid sa illegal gambling operations ni Ang sa labas ng Cagayan.

“The PCSO is in close coordination with the police on these raids. There are still a lot of areas to be raided. The instruction of the President is to stop illegal gambling to stop corruption,” ani Corpuz.

Mariing ding itinanggi ng PCSO chair ang akusasyon ni Ang na siya at mga kaklase sa Philippine Military Academy Class of 1982 ay papatayin dito at magkokontrol sa STL.

4 Responses

  1. Tapos na magpakilala sa mining industry lipat payola. matapos wala ring nangyari. Ngayon gambling naman magpapakilala na nman ang sindikato ni sayad na cya ang hari. Lipat payola. Sa huli wala ring manyayari. Fiesta na ang koruption