Inatake ng ubo si Pangulong Rodrigo Duterte habang nagtatalumpati sa okasyon na tinawag na “Sama-sama, Tulong-tulong sa Pagbangon at Pagsulong” sa Heroes Hall ng San Fernando City, Pampanga kahapon.
Pero wala namang dapat ipag-alala dahil ayon sa Pangulo ay allergic lamang siya sa bulaklak.
Bago ang dinaluhang okasyon sa Pampanga ay nauna nang nagtalumpati si Duterte sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City para sa selebrasyon ng National Heroes day.
Dahil sa hindi mapigilang pag-ubo, nagbiro pa ang Pangulo na tila may nakakakaalala sa kanya.
“Pati sa burol ko, huwag kayong magpadala ng bulaklak, baka mag-ubo ako ng mag-ubo diyan sa ilalim ng kabaong,” biro ng Pangulo.