Naglaan ng ayudang pinansiyal si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng malagim na aksidente sa Nueva Ecija kamakailan.
Nabatid na ang mga namatayan ay binigyan ng Pangulo ng tig-P20,000 habang ang mga sugatan ay tumanggap ng tig-P10,000.
Bukod pa ito sa tatanggaping insurance benefit ng mga biktima.
Kinumpirma ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra ang pagkakaloob ng Pangulo ng tulong pinansyal.
Ayon kay Delgra, imo-monitor nila ang gagawing pamamahagi ng tulong pinansiyal at insurance benefit sa mga biktima ng nangyaring malagim na aksidente.