PDu30 nagparamdam uli: Martial Law magpapatuloy?!

Kahit gustuhin umano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin na ang idineklarang Martial Law sa Mindanao ay mukhang mahirap mangyari dahil sa nangyayaring spillover sa Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM).

Sa ginawang talum­pati ni Pangulong Duterte sa ika-11 anibersaryo ng Eastern Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Panacan, Davao City kahapon ay nabanggit ng Pangulo ang dapat ay pagbawi na sa Martial Law sa Mindanao.

“I was thinking that we could, you know, lift it earlier. But the way it looks, parang may spillover na sa ARMM eh… sa Buldon. Let us see. If it is to the interest of the country that I will lift it, I will lift it. But if not, then we’ll just have to continue­ with the Martial Law,” bahagi ng talumpati ng Pangulo.

Kaugnay nito ay nagpahayag ang Pangulo ng suporta sa tropa ng gobyerno at hinimok ang mga ito na maging tapat sa sinumpaang tungkulin na protektahan at idepensa ang kasarinlan at ang taumbayan habang nana­natiling epektibo ang Martial Law sa Minda­nao dahil sa patuloy na banta ng terorismo at insurhensiya.

“And mind you, hindi ako nakikialam. When I said that I leave it to the military and the police to solve the problem, doon na ‘yun. Hindi na ako nakialam. Except ‘yung advice ko doon sa pulpugin ‘yung mga mosque, sabi ko, ‘huwag, ma-ano ‘yan. Ma… hard to answer. Hard to answer ‘yan’,” dagdag ni PDu30.