Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang empleyado ng Malacañang na, aniya, ay ginagamit ang impluwensiya para makakuha ng kontrata sa gobyerno.

“Meron dito, dito sa Malacañang ganon. I’m supposed to talk with the lady here.

Sabi ko, talagang papaalisin kita. At tsaka ayaw ko na ‘yung kami pa dito ang magkontrata ng mga barong. ‘Yan ang raket diyan eh.

Kontrata ng mga barong ng mga head of states pumupunta dito,” pasaring ng Pangulo sa empleyado ng Malacañang nang magtalumpati nitong Martes ng gabi, Hulyo 25  sa oath taking ceremony ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry Inc. (FFCCCII) sa Rizal Hall ng Malacañang Palace.

“Sabi ko, itapon mo ‘yang trabahong ‘yan sa iba. Bakit ako maging tailoring dito sa Malacañang?”dagdag pa ng Pangulo.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo kasabay ng mahigpit nitong panawagan sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na huwag makisangkot sa katiwalian.

One Response

  1. bagay mas okey sa nakakarami kung ikaw nga ang mga tailor diyan sa malakanyang kase marami ka ng pinagtagpitagping mga kasinungalingan…hi hi hi hi