Diretsahang tinumbok ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagsimula ang pamamayagpag ng iligal na droga sa natio­nal government dahil kay dating Justice Secretary at ngayo’y Senadora Leila de Lima.

“The portals of the invasion of drugs into the national government started with De Lima.

Totoo ‘yan. Ilang witness na ang nagsasabi sa inyo. ‘Yung gwardya n’ya, ‘yung NBI, ‘yung PSG. Meron na tayong narco-politics that is why I told Congress, do not call for an election now. Otherwise, manalo ang mga may pera.

Na kung nandyan sila sa gobyerno, they will just wait it out. Maybe magdasal na ‘yan sila na mahulog ‘yung eroplano ko or they want maybe to impeach me or whatever.

Balik sila. Pera eh. The greed, the craving for money,” paghahayag ng Pangulong Digong sa mass oath-taking ng mga bagong hirang na opisya­les ng League of Municipalities of the Philippines sa Rizal Hall ng Malakanyang kahapon ng hapon.

“Now, if you-ayan, pag-ambisyosa ka na. Look at the way, previous, previously. I’m not– I’m not insulting here. Just as a matter of law and proof.

Look at the – review the tapes, look at the sartorial elegance of how she graduated.

Tingnan mo mga look at the previous tapes. Malaman mo ‘yan ang tao hindi talaga makapigil eh. Mag-regalo ng bahay. P*****i**, sipsip. ‘Yan ang mahirap. It has never been answered kung kaninong bahay, sinong gumastos. Eh, obviously, alam na­ting lahat. But that is how narco-politics has set in,” dagdag nito.

Binigyang-diin ng Pangulong Duterte na pinaplano nitong magkasa ng pulong sa pagitan ng militar, mga sibil­yan at mga scholar para matalakay ang mas epek­tibong paglutas sa problema ng iligal na droga.

Sinabi pa ng Pangulo na wala na itong balak pang isapubliko ang mga pangalan ng mga pulis na nasa narco-list dahil maaari lamang itong lumikha ng mas malaking gulo sa bansa.

26 Responses

      1. che karamihan sa witness ay mga convicted criminals mag witness ba ang mga iyan kong walang kasunduan ano sila bali? mga batang timun ang mga iyan magugulang

      1. DI YUN BINAYARAN…MAY MGA KONDISYON YUNG MGA PAG SISINUNGALING NG MGA WITNESSES NA YAN!PAANU NAMAN PANINIWALAAN YUNG MGA CONVICTED NA YUN?HANGGANG NGAYUN WALA NAMANG MAKITANG MALINAW NA EBIDENSYANG NAG TUTURO KAY DELIMA?SAN MGA BANK ACCOUNT NA PINAG SASABI NA PINAG DEPOSITOHAN NG PERA?PURO SAT SAT!DAPAT MAY MATIBAY NA EBIDENSYA!PAG NAKITA KO NA YUNG MGA BANK ACCOUNTS NI DELIMA SAKA AKO MANINIWALA.

  1. I agree na nagsimula naman tlaga ang mga kaguluhan dahil kay de lima tinatpos lang ni Duterte ang nasimulan niya hindi na nahiya sa pangulo ano ba namn yan.