PDu30 pinuri ng CBCP

Tiwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMIP) na sa pagtatag ng Department of OFW ay mabubuwag na ang burukrasya at pala­kasan.

At sa pangakong pagtatayo ng isang ahensya na tututok sa panganga­ilangan ng overseas Filipino workers (OFWs), dapat umanong papurihan si Pangulong Rodrigo Duterte, ayon kay Balanga­ Bishop Ruperto­ Santos, chairman ng ­CBCP-ECMIP.

Maganda umano ang naturang pangako ng Pangulo upang maipa­dama ang pagpapapaha­laga sa mahigit 15 mil­yong OFWs na biktima ng maduming burukrasya at maliligtas na rin ang mga ito sa banta ng illegal recruitment sa bansa, wika pa ni Bishop Santos.

Hiniling din ng obispo sa pamahalaan na pana­gutin ang kawani ng pamahalaan na nang-­aabuso sa mga manggagawang migrante kaya nasasadlak ang mga ito sa masamang trabaho.

“Tayo rin ay natutuwa,­ tayo ay sumusuporta sa kanilang balakid kung saan ang illegal recruitment at ang human trafficking ay talagang pananagutin at dapat silang parusahan at talagang protektahan ang ating mga OFWs,” giit pa nito. ­