PDu30 sa mga pulis at sundalo: Lahat ng kailangan n’yo ibibigay ko

Itotodo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsuporta sa mga pulis at sundalo sa buong bansa.

Sinabi kamakalawa­ ng gabi ni Pangulong Rodrigo­ Duterte sa awarding ng Metrobank Foundation Outstanding Filipino­ sa Heroes Hall ng Palasyo ng Malakanyang na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay walang magiging problema ang mga pulis at sundalo.

“Sa panahon ko, ang militar pati ang pulis­ walang problem. I’ve been guaranteeing it day one sa pagka-Presidente­ ko, that you’ll have ­everything you need and lahat na, lahat ng weapons­ na makayang bilhin ng ating Republika. ‘Yung kaya lang. At para maitayo ninyo ang bansa ng ating bayan,” paghaha­yag ng Pangulo.

Ang pagsuporta sa pangangailangan ng mga pulis at sundalo ay ibinigay ni Pangulong Duterte dahil alam, aniya, ang paghihirap na dinadaanan­ ng mga ito.

“Ang suweldo talaga kulang. That is why the first thing that I did was to announce, doble ang sa­lary nila, nauna sila,” pagbibigay-diin pa ni Duterte.

Umaasa rin si Pangulong Duterte na naipa­tupad na ang naunang ipi­nangakong dagdag-­sahod sa mga miyembro ng kapulisan at militar.

“I hope it’s there, it’s shown in your…  By December, it would have been complete. It’s ­reflected on your August salary already,” dagdag nito.