Pinaalalahanan kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) na bigyang prayoridad ang pag-aresto sa mga nakapaloob na personalidad sa drug matrix.

“‘Pag mag-surrender, okay lang. ‘Pag ayaw sumurender, then you have to overcome the resistance. ‘Pag ang surrender niya may baril, and you feel that you will die today, tonight… eh bakit maghintay ka pa? Eh ‘di barilin mo na,” pahayag pa ni Pangulong Duterte sa mga pulis sa pagbisitang ginawa kahapon sa Camp Abendan, Mercedes, Zamboanga City.

Pinatutugis din ng Pangulo sa mga kagawad ng pulisya ang mga kabaro nilang mga pulis na sangkot sa iligal na droga dahil maituturing na treason ang ginagawa ng mga tinaguriang ‘ninja cops’ na nagbebenta ng mga nakukumpiskang iligal na droga.

“…there were policemen, member that they were banned, saka iyang ninja nandiyan pa sa labas. I hope walang ninja dito. I’m putting up an award, kunin ninyo listahan kay Bato (PNP Chief Ronald Dela Rosa), two million per head ako.

Special iyan, special prize dahil kayo’y pulis. Imagine pulis maggawa ka… that’s treason. Kaya two million sila, walang ano iyan. Money on the table ako basta ninja,” sabi pa ng Pangulo.

4 Responses

  1. noon pa yan bakit hanggang ngayon yan pa rin sinasabi mo..yong limang Generals,yong mga congressman..mga pulis na sangkot sa drugs,yong mga preso sa Bilibid eh bakit andyan pa sila..putang ina puro ningas kugon..puro daldal..mga small time lang kaya mo..mga mahihirap na tao,kunyari ka pang makatao ka dodirty,niloloko mo lang mga Pilipino..