Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi­ nito tatantanan ang pagdurog sa apparatus at mga sindikato na pasimuno ng pagkalat ng ilegal na droga.

“Hindi ko hintuan ‘to. That’s why my order to the police and to the human rights, if you are listening…stupid. I said to the police and the military, destroy the apparatus, the organization of drug syndicates,” sabi ni Duterte sa pagbisita sa Ozamiz City kahapon.

Binanggit din nitong halimbawa ang pamamayagpag at ang naging pagbagsak ng mga Parojinog sa Ozamiz.

“Tingnan mo, narco-politics. Tingnan mo kung anong magawa ng isang pamilya, hina­wakan niya ang isang siyudad. Ang mga tao dito, ‘yung nakatikim sa kanyang patronage, pulitika, trabaho, ‘yan, paiyak-iyak kayo. Sumunod kayo at kayong isusunod ko,” salaysay ni Duterte.

“…and I will not hesitate… Kung may mamatay? Sorry. Collateral damage ka,” dagdag nito.