PDu30 sa NPA: ‘Wag pakialaman ang para sa tao

rodrigo-duterte

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na huwag perwisyuhin ang mga energy at communication facilities sa bansa.

Ginawa ng Pangulo ang babala kamakalawa sa groundbreaking ceremony ng Pulanai Hydroelectric Power Plant sa Bukidnon.

Karaniwan ay sinasa­botahe umano ng mga rebelde ang pasilidad ng ilang kumpanya kapag hindi nagbibigay ng ka­ni­lang hinihirit na revolutionary tax, pagbibigay-­diin pa ni Pangulong Duterte.

“Ang style kasi ng NPA ‘pag ‘di ka nagbigay, sunugin. ­Makinig kayo ha. ‘Wag n’yo paki­alaman ‘yang sa tao. ­Energy, communication, everything. Lay off, lay off,” apela ng Pangulo.

Kilala ang NPA na kaanib ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa ­pambobomba ng mga transmission towers at cell sites.

Sa kasalukuyan ay nag­sa­sagawa ng pag-uusap ang gobyerno at CPP at National Democratic Front of the ­Philippines (NDFP) sa pag-asang matuldukan na ang communist insurgency sa ilalim ng pamaha­laang Duterte.