PDu30 sa UN rappoteur: “I want the discussion public”

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na isapubliko ang diskusyon kaugnay ng itinutulak na imbestigasyon ni United Nations (UN) special rapporteur Agnes Callamard sa umano’y nangyayaring extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas, kabuntot ng inilunsad na war on drugs ng gobyerno.

“I want the discussion public so she can state her case ganun ginawa mo. Then I can refute her. Kasi tatanungin ko lang siya where did you get that garbage?

Anong extrajudicial killing?” pahayag ng Pangulo sa mga miyembro ng media kasabay ng pagbisita kahapon ng hapon sa mga nasugatang sundalo sa Western Mindanao Command (WESTMINCOM) headquarters sa Zamboanga City.

Nagbigay din ito ng pananaw patungkol sa kontrobersyal na usapin ng umano’y personal nitong pagpatay sa mga kriminal.

“How can you now rely on itong mga amnesty international the idiot just said I admit killings of suspect when I was facing kidnapper tatlo…,” ayon kay Duterte.

Bagama’t hindi siyento por siyentong pabor sa demand ni Callmard, iginiit ng Pangulo na bukas siya na imbestigahan ng international body ang EJK sa bansa.

Pero binigyang-diin ni Duterte na hindi nauunawaan ng mga ito kung ano talaga ang realidad patungkol sa giyerang inilunsad niya kontra iligal na droga.

“I am very open and I said my order is to destroy… Hindi nila naintindihan ang law enforcement pati Presidente. My order to the police pati military sumali na kayo kasi kulang ako ng tao, is to destroy the apparatus it includes… pati tao,” paliwanag pa ng Pangulo.

“I am not ordering a punitive police action I am declaring war because of the number of people, Filipino kadugo ko na pinasok ng droga four million, kung sana 50,000 o 10,000 okay lang ‘yun.

But four million they cannot seem to grasp the reality of it all… Pagdating ng 20 years anong justice na ibigay ko sa tinamaan, nasirang pamilya, pamilya na sumasabog. It starts with dysfunctional family wala ka nang matrabaho kasi money intended for food, eskuwelahan sa bata, expenses naubos dyan sa shabu,” dagdag pa ni Duterte.