Mukhang wala nang gana si Pangulong Rodrigo Duterte sa emergency powers para maresolba ang trapik sa Metro Manila.
Isiniwalat ni Sen. Grace Poe na kinausap niya si Pangulong Duterte kamakailan kung gusto pa niyang magkaroon ng extra power sa pagresolba ng trapik.
“I was quite candid with the President and I asked him point blank, ‘do you really need the emergency powers?’ He said ‘Well, you know it’s up to you’,” paglalahad ni Poe.
“He didn’t really give me a definitive answer,” ayon sa senadora.
Bilang chairperson ng Senate committee on public services, si Poe ang nag-isponsor ng emergency power bill sa Senado.
Binanggit din ng senadora ang kabagalan ng Kamara na aprubahan ang counterpart bill.
Kung hindi maipapasa ng Senado ang e-power bago ang adjournment ng Senado ngayong Hunyo 2, sinabi ni Poe na wala nang silbi ang panukala.
“I am still hopeful but with barely a month left, I doubt. And with the House not even, I think, in the period of interpellation,” wika ni Poe.
Kung hindi maipapasa ang panukalang emergency powers, hinikayat na lang ni Poe ang administrasyon na ipagpatuloy ang pagpapagawa ng mga imprastraktura na makakatulong sa pagluwag ng daloy ng trapiko.
“Number one, there are still a lot of colorum buses and jeepneys on the road. Why can’t it not be identified and pulled out.
Number two, marami pa rin ang nagdo-double park kung saan-saan kaya nagbabara ang mga arterial roads,” ani Poe sa maaaring gawin ng gobyerno kahit walang e-power.