Kahit atrasado, ikinatuwa pa rin ni peace adviser Jesus Dureza ang plano ni communist leader Jose Ma. Sison na magdeklara ng ceasefire.
Ang planong deklarasyon ng ceasefire ay isiniwalat ni Sison, isang oras matapos bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong alas-siyete ng Sabado ng gabi ang idineklarang ceasefire mula pa noong Hulyo 25.
Ipinagtanggol naman ni Dureza ang pagbawi ng Pangulo sa ceasefire dahil matagal itong naghintay ng tugon mula sa liderato ng Communist Party of the Philippines (CPP) at National Democratic Front (NDF).
Tiwala rin si Dureza na hindi puputulin ng Pangulo ang peace effort dahil lang sa naging problema sa truce declaration.
“From the above, it is very clear that the President walked the extra mile for peace. And no doubt, he will still continue to do so at any given opportunity,” ani Dureza.