Peace talks, kinansela sa kawalan ng sinseridad

Luis Jalandoni

Kinansela ng gobyerno ang usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP) bunsod ng umano’y patuloy na opensiba ng mga rebelde.

Ipinahayag ni NDFP senior adviser Luis Jalandoni na minabuti ng Government Peace Panel na hindi ituloy ang ikalimang round sana ng pag-uusap.

“Ang sabi nila continuing NPA offensives pero ang mali doon, hindi nila binabanggit concrete reality on the ground that requires the NPA to defend the people on the ground,” ani Jalandoni.

Sa ipinalabas na statement kagabi ng Palasyo ng Malacañang sinabi ni Presidential Spokesperson ­Ernesto Abella na ang suspensyon ay bunsod ng nakikitang kawalan ng sinseridad ng CPP/NPA/NDF sa peace talks.

“We questioned the sincerity of the CPP/NPA/NDFP, if they truly are in pursuit of peaceful co-existence. The Duterte administration would rather pursue the path of ­genuine dialogue to build a nation worthy of its citizens,” ayon pa kay Abella.